Oks sa MMDA | HAZARD PAY SA TRAFFIC ENFORCERS
- Gina Pleñago
- Jun 13, 2019
- 1 min read

INAYUNAN ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim ang panukala ng isang scientist na bigyan ng compensation ang mga traffic enforcer para sa occupational hazards nito.
Ang pahayag ni Lim ay kaugnay sa pag-aaral ni Emmanuel Baja, ng University of the Philippines’ National Institutes of Health, na ang mga traffic enforcer ng MMDA ay expose sa pollution, na dapat sumailalim sa check-up at bigyan ng pansin ang kalusugan ng mga ito.
Delikado sa kanilang kalusugan ang madalas nilang nasasagap na carbon dioxide mula sa mga sasakyang bumabaybay sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila.
Sa pag-aaral ng grupo ni Baja, ang mga enforcer ang pinaka-busy sa mga major thoroughfare at vulnerable sila sa high blood pressure, edema at respiratory problems.
Ayon sa MMDA chief, pagkakalooban ng mga gamot at insurance ang kanilang mga enforcer.





Comments