top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Matapos ang hiwalaya nila ng French BF… VINA, IDINISPLEY NA ANG BAGONG LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 13, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

IN love na naman ang singer-actress na si Vina Morales after niyang makipag-break two years ago sa French businessman na si Marc Lambert.

Two years ding nagtagal ang relasyon ng dalawa, at ang dahilan ng kanilang breakup, ayon kay Vina, ay nahihirapan siya sa kanilang long-distance affair.

Makaraan ang dalawang taon ng pagiging single ay muling nag-post ang singer-actress ng pictures na may kasamang guwapong non-showbiz guy na mukhang foreigner.

Walang inilagay na name ng guy si Vina, pero sa picture ay masasa­bing in love silang dalawa, dahil naka­akbay ang guy samantalang naka­yakap naman si Vina sa kanya.

Ang larawan ay kuha sa overlooking ng Man­hattan Beach sa California at nilagyan ito ni Vina ng caption na: “#VMtravels.”

Ibinuking naman ni Ruffa Gutierrez ang special someone ni Vina at nag-comment na siya ang nag­pakilala sa kaibigan sa nasabing guy.

Ang mga kaibigang artista ni Vina ay masaya para sa kanya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page