Kumanta sa nakawan | LALAKI SINAKAL, BINIGTI NG KATRABAHO

HINIHINALANG sinakal muna bago binigti ang isang welder ng kanyang katrabaho matapos umamin ang biktima na sangkot umano sila sa naganap na nakawan sa kanilang pinagtatrabahuhan sa Makati City.
Kinilala ang biktima na si Nestor Malujao, 56-anyos.
Nasa kustodiya naman ng Makati City Police ang katrabaho nitong si Albert Cruz, nasa hustong gulang.
Ayon sa ulat na nakarating sa Southern Police District, alas-8:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakabigti ng lubid sa Bgy. San Isidro.
Posibleng sinakal muna ang biktima bago ito binigti hanggang sa mamatay.
Napag-alaman na ang biktima ay umamin umano na kasabwat niya sa insidente ng nakawan ang suspek na si Albert at ang kapatid nitong si Ritchell sa kanilang kumpanya sa Turbo Engine Recovery.
Posible umanong ito ang dahilan kaya pinatay ng suspek ang biktima.
Sa follow-up operation ng mga pulis, naaresto ang suspek na si Albert.





Comments