top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Bahay ng pulis nilooban, 5 tiklo

Maeng Santos
Jun 13, 2019
1 min read

LIMA sa anim na hinihinalang magnanakaw kabilang ang apat na menor-de-edad na nanloob sa bahay ng pulis sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Col. Carlito Gaces ang mga nadakip na si Jomel Ibabao, 18, isang 14-anyos na dalagita at tatlong binatilyo na edad 16 hanggang 17.

Ayon kay P/Cpl. Regiemart Manabat, ala-1:50 ng madaling-araw nang magising si Pat. Emerson Magallon, 23, nakatalaga sa District Mobile Force ng Northern Police District at residente ng Bgy. Gen. T. de Leon upang imihi.

Gayunman, laking-gulat nito nang makita ang dalagita at binatilyo sa kanyang kuwarto at nang komprontahin nito ay mabilis na nagsitakas.

Nang tingnan ni Pat. Magallon ang kanyang mga gamit, nadiskubre nito na nawawala ang cellphone at P3,000 cash na naging dahilan upang humingi ito ng tulong sa mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto kay Ibabao at sa dalawang binatilyo.

Sa follow-up operation, nadakip din sa isang computer shop ang dalagita at 16-anyos na binatilyo na nakita ni Pat. Magallon sa kanyang kuwarto.

Narekober ang cellphone at P500 mula sa tinangay na P3,000 sa dalawang menor-de-edad habang ang natirang P2,500 ay hawak ng kanilang umano’y leader na nakilala sa John Axel Pallares.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page