top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Babaeng binu-bully kaya gustong lumipat ng school

ROMA AMOR
Jun 13, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Melody, top- notcher ako sa school na­min sa probinsiya. Nag­karoon ng magandang trabaho at malaking su­weldo ang ate ko sa May­nila kaya kinuha nila ako at dito pinag-aral. Dahil transferee ako, ma­dalas akong nakara­ra­nas ng pambu-bully sa mga ka­mag-aral ko sa pampub­likong paaralan. Tama bang mag-transfer na lang ulit ako? — Melody

Melody,

Sadyang mahirap mag-aral dahil bukod sa ma­hirap na nga ang mga sub­ject, exam at kung anu-ano pang activities, si­nabayan pa ng mga ka­mag-aral na bida-bida at bully. Sa buhay, hindi na­­tin maiaalis ang mga gan­yang klase ng tao, kaya makabubuti sigu­rong ka­usapin o ipagbi­gay-alam mo ito sa mga guro ninyo at maging sa dean ng inyong paara­lan, gayun­din sa mga magulang mo. Mahirap ang magpalipat-lipat ng paaralan dahil maa­aring maging magulo ang iyong record, pero kung magpapatuloy ang kanilang pambu-bully sa iyo at kung ayos lang sa iyong lumipat ng ibang paaralan, magan­dang subukan din ito alang- alang sa iyong ka­ligtasan. Mahirap mag-aral, pero mas ma­hirap ang walang pi­nag-ara­lan. Magsikap ka nang ma­igi at balang-araw, pa­tunayan mo sa kanila na ‘yung dati nilang bi­nu-bully ay isa nang ga­nap na propesyunal. Kaya mo ‘yan! God bless you!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page