top of page
Pokwang.jpg

Ayos lang ang lahat Ni: Ronalyn Seminiano Reonico

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 13, 2019
1 min read

Ika’y kasama sa pagpasok sa pinto ng buhay, ang hangin ay kaylamig habang tayo’y tinatangay.

Kaligayaha’y sa iyo natagpuan at naramdaman.

Mahigpit na yakap habang umaawit ng kundiman.

Naiwang balabal, iyong itinago’t iningatan.

Bawat paglalambing at walang sawang titigan.

Pagtahak sa mundo’y sinaliwan ng munting awitin habang ang mga daho’t bulaklak ay nagsasayawan.

Larawan sa alaala’y nananatiling walang kupas.

Kahit pa ito’y matagal nang wala at lumipas.

Ang mahika at pantasya ng kahapo’y wala na.

Umaasang magbabago ang ihip at simoy ng tadhana.

Panaho’y darating at lahat ng lungkot ay lilipas din.

Ngunit, kalungkuta’y patuloy na nang-aalipin.

Sapagkat ika’y naririyan sa munting daanan.

Mga mata’t labing nakangiti’y saki’y hindi inilaan.

Hangi’y umihip kasabay ng iyong pagtakbo.

Sa aking direksiyon, ngunit, ako’y nanlabo.

Ako’y nilagpasa’t dinaanan at sa iba nagtungo.

Mga alaala ng kahapo’y, bakit biglang nagbalik?

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page