13-anyos ni-rape ni lolo

TIMBOG ang 63-anyos na lalaki matapos umanong pagsamantalahan ang kanyang 13-anyos na apo, kahapon sa Tondo, Manila.
Kinilala ang suspek na si Henry Castro, dahil sa reklamo ng apong si alyas Sophia, Grade 9, nakatira sa naturang lugar.
Ayon sa Manila Police District-Station 7, ala-1:00 ng hapon nang mangyari ang pang-aabuso noong Hunyo 10 sa loob ng kanilang bahay.
Nadakip ang suspek nina Kagawad Rodolfo Cabinbin at ex-O Dennis Romio Marquez.
Ayon sa reklamo ng biktima kay P/Corporal Shiela Marie de Guzman, ginising siya ng kanyang lolo saka ikinandado ang pintuan ng kanilang bahay at inutusan siyang maghubad saka pinagsamantalahan.
Pinagbantaan umano siyang huwag magsusumbong.
Gayunman, nang makakuha ng pagkakataon, nagsumbong ito sa kanyang ina na siyang nagreklamo laban sa matanda.





Comments