top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Walang puso, 'di ba? SOSYAL NA AKTRES, PURO BRANDED ANG GAMIT, PERO NANG SINGILIN NG NAG-CLIPPIN

  • Erlida Rapadas
  • Jun 12, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

NAMANGHA ang isang dating showbiz photographer nang mabalitaan niya kung gaano kabongga ang mga gamit ng isang aktres na suki niyang igawa ng publicity clippings noong ito ay teen-ager pa lamang at nagsisimula pa lang sa kanyang career.

Ilang albums ng publicity clippings ang ginawa niya noon para sa maykaya sa buhay na aktres. Umasa ang showbiz photographer na bonggang-bongga rin ang ibabayad sa kanya dahil richie-richie naman ang pamilya nito at puro branded ang mga gamit.

Heto ang shocking truth, nang i-deliver ng showbiz photographer ang ginawa niyang limang albums ng clippings na pinuhunanan niya ang pagbili ng mga tabloids at magazines, tuwang-tuwa raw ang dating young actress dahil maganda ang clippings at marami siyang writeups.

Ang siste, hindi cash kundi GCs at produktong ineendorso ng aktres ang ibinayad sa kanya. Wala raw itong cash na ipambabayad.

Halos isumpa ng showbiz photographer ang aktres at hindi na binalikan pa. Kaya pinagtataasan na lang niya ng kilay kapag todo-display ang young actress ng kanyang sosyalin at branded stuff. Mahig­pit daw itong humawak ng pera.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page