top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

PVL: SINO ANG PIPIGIL SA DOMINASYON NG PETROGAZZ?

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 12, 2019
1 min read

TATANGKAING ipagpatuloy ng PetroGazz ang kanilang dominasyon na ginawa noong first round habang sisikapin naman itong wakasan ng kanilang mga katunggali partikular ang kanilang mga mahuhusay na reinforcement.

Nakatakdang simulan ng Angels ang tangkang pagpapatuloy ng kanilang naitalang first round sweep sa pagsalang sa tampok na laban kontra BanKo Perlas sa pagbubukas ng ikalawang round ng PVL Season 3 Reinforced Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Naipanalo ng PetroGazz ang lahat ng lima nilang laro noong unang round at hindi lamang simpleng sweep ang kanilang ginawa dahil wala silang ipinatalo kahit isang set sa pangunguna ng kanilang mahuhusay na imports na sina American Janisa Johnson at Cuban Wilma Salas.

Pero sa kabila ng kasalukuyan nilang estado, nagpapaalala si Angels coach Arnold Laniog sa kanyang players na huwag maging complacent dahil tiyak na mas paghahandaan sila ng husto ng kanilang mga katunggali ngayong second round.

Sa panig ng kanilang kalaban, pipilitin ng Perlas Spikers na bumawi sa kabiguang natamo sa kamay ng Angels noong first round upang umangat mula sa kinalalagyang ika-4 na posisyon sa standings taglay ang kartadang 2-3.

Tiyak na muling mangunguna para sa BanKo sina imports Kia Bright ng US at Yasimin Yildrim ng Turkey kasama ng mga pangunahing local players na sina Nicole Tiamzon, Dzi Gervacio at Kathy Bersola.

Samantala, sa tampok na laro, sisikaping patibayin ng defending champion Creamline (3-1) ang kapit sa ikalawang posisyon sa pagsagupa sa winless na Balipure.

Magtatapat ang Cool Smashers at Water Defenders sa ganap na 2 p.m. bago ang bakbakan ng Angels at Perlas Spikers na magsisimula ng 4 p.m. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page