top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pulis binentahan | 3 TIKLO SA SHABU

Maeng Santos
Jun 12, 2019
1 min read

ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng iligal na droga kabilang ang isang menor-de-edad matapos magbenta ng shabu sa pulis sa naganap buy-bust operation sa Malabon City, kahapon.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang mga suspek na sina Patrick Sangoyo, 21, ng Bgy. Tonsuya; Gilmer Yumang alyas Adik, 18, ng Bgy. 8, Caloocan City at ang 16-anyos na binatilyo.

Ayon kay PSSG. Jerry Basungit, alas-12:10 ng hatinggabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa pangunguna ni PLt. Zoilo Arquillo, kasama ang CAMANAVA PDEA ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Dr. Lascano St., Bgy. Tugatog.

Nang iabot ng mga suspek ang sachet ng shabu sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P300 marked money, agad lumusob ang back-up na mga operatiba saka sinunggaban ang mga ito.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang siyam na sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na dami at halaga ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page