Mag-utol na broadkaster kinukuyog ng militar at parak, isumbong na 'yan kay Tulfo?!
- BULGAR

- Jun 12, 2019
- 2 min read
BUBUKSAN na ang Sangley Point sa Cavite para sa domestic flights.
Malaki ang tama ninyo!
◘◘◘
ILANG beses nang nagkaaberya sa NAIA.
Malinaw na dispalinghado ang mga nangangasiwa rito!
◘◘◘
MULA nang magkaroon ng “earth” sa Genesis, palaging may kidlat.
Pero, ang NAIA, nagsasarado dahil sa kidlat.
Anong kapalpakan ‘yan?
◘◘◘
ANG lahat ng paliparan sa buong daigdig ay nakasemento o kongkreto.
Pero, sa NAIA, nagkakabitak at isinasarado ang airport.
Palpak ang nangangasiwa rito!
◘◘◘
NAKAPAGTATAKA ang mga ordinaryong sitwasyon ay karaniwang dahilan ng pagsasarado ng airport sa bansa.
Ang mga ehekutibo ang may diperensiya at hindi ang pasilidad!
◘◘◘
KUNG pinagbibitiw ni P-Digong ang mga opisyal na sangkot sa “ghost dialysis scam”, sibakin na rin niya ang mga nangangasiwa sa airport.
Panganib sa buhay ng mga pasahero ang mga ehekutibong ‘yan!
◘◘◘
MAY ebidensiya raw si Sen. Antonio Trillanes IV laban kay “Bikoy”.
Weh, di nga?
◘◘◘
KINUKUYOG ang mag-utol na brodkaster ng mga military at parak.
Puwes, isumbong natin ‘yan kay Tulfo!
◘◘◘
IBINIBENTA ang “personal na problema” ng mga pamilya sa programa ng mga Tulfo.
Tumaas ang kanilang ratings dahil sa “tsismis”.
Ngayon, ang host naman ang “hinahabol” ng orihinal na misis.
Nakakatawa talaga ang buhay!
◘◘◘
BAKIT daw walang ipinakikilalang asawa, anak at dyowa si Senator-elect Christopher “Bong” Go?
No comment.
Baka ma-"persona non grata” tayo sa Malacañang!
◘◘◘
INAMIN ni P-Digong na siya ay naging “bakla”, pero nagamot na raw niya ito.
Kumpirmasyon ba ito na “sakit” ang LGBTQ?
◘◘◘
AYON kay U.S. President Donald Trump, malinaw na nagwawagi ang U.S. sa “trade world war” kontra China.
Mautak si U.S. Pres. Trump at matapang tulad ni P-Digong!
◘◘◘
NAHULI ni U.S. Pres. Trump ang susi sa pag-unlad ng U.S.
Ang mga hindi nagawa ng ibang American president ay nagawa niya.
Desidido niyang gawin ang mag-aangat sa U.S.!
◘◘◘
SI U.S. Pres. Trump ang pinakapatriotikong pangulo ng U.S.
Nakapundasyon ang kanyang plataporma sa “America first” na kinopya raw kay dating Philippine President Carlos P. Garcia!





Comments