top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lalaking dehins knows kung paano makamu-move-on sa ex

ROMA AMOR
Jun 12, 2019
2 min read

Dear Roma, Ako si Rich, 45 years old. Mayroon akong partner na mahal na mahal ko. Sa katunayan, sa kanya nakapangalan ang lahat ng savings ko sa bangko, maging ang mga naipundar kong bahay at lupa. Ako rin ang sumasagot sa condo niya dahil ganu’n ko siya kamahal. Sa relihiyon nila, bawal ang relasyon naming dalawa kaya “patago” o “illegal” ang relasyon namin, maging ang mga pagkikita namin. Hindi rin niya ako ipinakikilalang partner niya kaya napakaraming babae ang umaali-aligid at umaahas sa kanya. Alam kong darating ang araw na maghahanap siya ng tunay na makakasama para bumuo ng pamilya, kaya inihahanda ko na rin ang sarili ko sa panahong dumating ‘yun, pero hindi ko balak na alisin siya bilang benepisaryo sa mga naipundar ko. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kinakailangan pang dumating sa ganitong punto na ang bisexual na tulad ko ay magdusa pagdating sa pagmamahal. — Rich

Rich, Beshie, una sa lahat, saludo kami sa kabutihan ng iyong puso at sa kakaibang pagpapahalaga mo sa taong mahal mo. Sadyang nakalulungkot na napakaraming bagay ang kailangang pagdaanan natin sa buhay, ngunit, sabi nga nila, ang mga pagsubok ang siyang magpapatibay sa atin. Marahil, may malalim na dahilan kung bakit ibinigay sa iyo ang pagsubok na iyong pinagdaraanan, maaaring ngayon ay hindi mo pa ito alam, ngunit, darating din ang panahong malalaman mo rin kung bakit ikaw ang pinagkalooban ng ganyang pagsubok. Gayunman, huwag kang magsawang gumawa ng mabuti sa kapwa sapagkat sabi nga, “ang paggawa ng mabuti ay hindi magbubunga ng masama.” Walang pagsubok na hihigit sa ating makakaya, kaya magtiwala ka lang. Minsan, kaya tayo nasasaktan sa pagmamahal ay dahil mali ang taong minamahal natin. Pero, kung anuman ang iyong desisyon ay nirerespeto namin ito. ‘Yun lang, tiwala lang sa Diyos. God bless you!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page