top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Laborer tinodas ng 2 lasing

Pabs Hernandez III
Jun 12, 2019
1 min read

QUEZON—Isang laborer ang pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ng dalawang lasing na kasamahan nito sa trabaho kamakalawa sa Bgy. Villa Victoria, Alabat sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Kenneth Rayos, samantalang, ang mga suspek ay sina Arman Reporma at alyas Paul, pawang laborer sa nasabing lugar.

Nabatid na habang nag-iinuman sina Reporma at “Paul” ay kinulit sila ni Rayos kaya pinagtulungang saksakin ng mga suspek ang biktima.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page