top of page

Kahit magmukha ka pang baliw, mamsh! | PAKIKIPAG-USAP SA SARILI, GOOD SA HEALTH!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 12, 2019
  • 1 min read

KINAKAUSAP mo ba ang iyong sarili, beshy? Kung oo, good ‘yan dahil ayon sa mga eksperto, nakatutulong ito upang mabawasan ang iyong lungkot, gayundin, nakamo-motivate ito, lalo na kung may pinagdaraanan kang problema. Wow!

Ayon kay Aniesa M. Schneberger mula sa Tampa Life Change, ang pagkausap sa sarili ay nakadi-diminish ng loneliness.

Kaya kung medyo nalulungkot kayo at may pinagdaraanan, mainam kung gagawin ninyo ito nang sa gayun ay mabawasan ang inyong kalungkutan at maagapan ninyo ang pagkakaroon ng depresyon.

Gayunman, knows ba ninyo na kapag kinakausap ninyo ang inyong sarili ay mas tumatalas ang inyong utak? Ito ay mula sa pag-aaral na nai-published sa Journal of Experimental Psychology kung saan natuklasan nilang kapag ang partikular na bagay ay paulit-ulit na sinabi sa sarili, ito ay mas tumatatak at naaalala na nakatutulong upang ma-boost ang kakayahan ng utak.

Samantala, mainam din sa pagsasaayos ng ideya ang paraang ito nang sa gayun ay hindi kayo maging pabigla-bigla dahil sa nararamdaman ninyo. Dagdag pa rito, dahil malaki ang naitutulong ng pagkausap sa sarili sa pag-iisip, ibig sabihin, mas nag-i-improve ang mental capability ninyo.

Maliban pa rito, keri rin nitong labanan ang stress na maraming masamang epekto sa kalusugan, kaya, alam n’yo na, ha?

Kaya kahit pagtawanan o magmukha man tayong hibang, oks lang ‘yan dahil malaki ang maitutulong ng pagkausap sa sarili sa ating buhay. Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page