Jeepney driver binaril sa loob ng kanyang sasakyan, utas

DEDBOL ang jeepney driver matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. Balagtas, Batangas City.
Kinilala ang biktima na si Eduardo Oserin, 39, tubong Mulanay, Quezon, residente ng Bgy. Paharang West.
Sa initial report, ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente habang natutulog ang biktima sa kanyang sasakyan.
Bigla umano siyang nilapitan ng isang lalaki saka siya pinagbabaril.
Agad siyang dinala sa pagamutan ng ilang residente ngunit, idineklara itong dead-on-arrival. Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pagpatay sa biktima.





Comments