top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dahil sa mangga, hinataw ng kahoy na may kadena | MAG-ASAWANG SENIOR, TODAS SA 2 MENOR-DE-EDAD

  • Jeff Tumbado
  • Jun 12, 2019
  • 1 min read

KAPWA nasawi ang mag-asawang senior citizens makaraang pagpapaluin ng kahoy sa ulo ng dalawang kabataan sa labas ng kanilang bahay sa Meycauayan City, Bulacan, kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Felix Bernabe, 77, at Estelita, 78.

Ayon kay Police Maj. Alexander Dioso, patungo sana sa palengke ang mag-asawa nang harangin ng tatlong lalaki kabilang ang dalawang menor-de-edad, pasado alas-6:00 ng umaga.

Pinagpapalo umano sa ulo ng mga suspek ang mag-asawa gamit ang kahoy na may kadena hanggang bumulagta ang mga ito sa kalsada.

Sa follow-up operation ng pulisya ay nadakip sina alyas Ryan, 14, at Marlon, 15, sanhi na rin ng ilang mga nakasaksing kapitbahay.

Sa presinto na inamin ng dalawa ang ginawa nilang krimen na ang dahilan umano ay ang galit nila sa ginawang pagmumura sa kanila ng mag-asawa nang mahuli silang nanunungkit ng mangga sa puno na nasa loob ng compound ng bahay ng mga biktima.

Pansamantalang itinurnover ng pulisya sa city social welfare and development ang dalawang binatilyo at isasailalim muna sa counseling ang mga ito habang ang 18-anyos na lalaki ay patuloy na tinutugis ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page