top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Babala na magkakaroon ng sakit sa obaryo, bato o pantog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 12, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Renato ng Renato_Lacerna@face-book.com

Dear Professor, ‘Yung misis ko ay palaging nananaginip na siya ay nasa tubig. Una, nasa loob daw siya ng kuweba na madilim at masikip, tapos, 3 days na sunud-sunod na napanaginipan niya, nasa dagat siya at nakita niya ang dalawa niyang kapatid na babae na nakasakay sa balsa at tinatawag siya para sumama. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay, Renato

Sa iyo Renato, Mainam ang nagsasabi ng tapat, sabi nga ng lola ko, “ang nagsasabi ng tapat ay nagsasama ng maluwat”.

‘Yung “maluwat” ay salitang Tagalog na hindi na ginagamit ngayon na ang katumbas na salita ay “matagal”.

Kaya bilang pagtatapat sa iyo, ang panaginip ng misis mo ay nagbababala ng sakit sa bahagi ng katawan na matubig tulad ng obaryo o maselang bahagi ng katawan, puwede rin sa bato o pantog.

Para mawala ang kaba mo at kaba ni misis, ang mas magandang gawin ay ang kumonsulta ka sa tunay na doktor.

May isa pang sinabi ang lola ko sa amin, sabi niya “forwarned is forarmed.”

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page