Awit ng Pilipinas Ni: Ronalyn Seminiano Reonico
- BULGAR

- Jun 12, 2019
- 1 min read

Naririnig mo ba ang
awitin ni Inang Bayan?
Nararamdaman mo ba,
mensahe nitong tangan?
Bawat nota at ritmo,
bawat lapat ng tono,
bawat titik at salita,
bawat pintig at talata.
Taguri’y “Lupang Hinirang”,
bayaning magiting at matapang.
Gandang sinauna’t sariwa,
mahihinhing Pilipina.
Inang Baya’y umaawit.
Ngunit, awiti’y puno ng galit.
Lahat ng sakit ay kanyang sinapit,
baya’y pinuno ng pait.
Ang Lupang Hinirang,
mistulang lupa ng hibang.
Bayaning magigiting,
sinira ng traydor at balimbing.
Taksil sa sariling bayan,
walang sawang pinagsamantalahan!
Gandang sinauna’t sariwa,
ngayo’y gandang salahula’t bilasa!
Ating naririnig kanyang tinig.
Sapat na ba ang ating marinig?
Kailan tayo kikilos at titindig?
Kapag wala na ang kanyang pag-ibig?
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments