top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

6 Abu Sayyaf, tiklo

Mylene Alfonso
Jun 12, 2019
1 min read

MAGKAKASUNOD na naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation, Naval Intelligence and Security Group at Armed Forces of the Philippines ang anim na miyembro ng Abu Sayyaf Group sa magkakahiwalay na operasyon sa Lungsod ng Taguig, Balanga at Zamboanga.

Ipinrisinta ni NBI Asst. Deputy Director for Intelligence Service Eric Distor ang mga naarestong sina Azmier Maalum, Amar Assan, Musa Tahil Sampang, Jamil Ibrahim, Yong Aming at Majuk Tahil Amil.

Unang naaresto si Maalum, na may walong warrant of arrests para sa 8 counts ng kidnapping at serious illegal detention na may kaugnayan noong 2001 Golden Harvest Kidnapping matapos makatanggap ng impormasyon na nagtatago ito sa Taguig City kasama si Assan.

Sa pag-aresto kina Maalum at Assan noong Mayo 16, itinuro naman ni Assan ang kinaroroonan ni Sampang kaya ito naaresto noong Mayo 20 sa isang fastfood sa Balanga City.

Si Assan ay may kasong obstruction of justice at dalawang counts ng falsification of public document at si Sampang ay sangkot naman sa D. Torres Memorial Hospital Kidnapping sa Lamitan, Basilan.

Habang sina Ibrahim, Aming at Tahil ay naaresto naman sa Zamboanga City. Nabatid na sina Ibrahin at Aming ay may 8 warrant of arrests para sa 8 counts ng kidnapping with serious illegal detention na may kaugnayan noong 2001 Golden Harvest Kidnapping at si Tahil naman ay may kasong kidnapping din sa Patikul, Sulu. Dadalhin ang anim na ASG sa Zamboanga Regormatory Center para harapin ang kanilang mga kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page