5 NEW TEAMS SA MPBL LAKAN CUP, SASABAK NA


MAGSISIMULA na ang mainit na aksiyon sa loob ng hardcourt sa pagbubukas ng ikatlong season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa ABS-CBN S+A ngayong Araw ng Kalayaan (Hunyo 12) sa serye ng Lakan Cup live mula sa Mall of Asia Arena (MOA) sa Pasay City.
Isang matinding double-header ang kanilang handog para sa bagong season kung saan maglalaban ang Basilan Steel at baguhang Bicol Volcanoes ng 6 pm, na susundan ng Davao Occidental Tigers kontra Zamboanga Family’s Brand Sardines ng 8 pm.
Kasalukuyang aabot sa 31 na koponan ang kabilang sa MPBL Lakan Cup kasama ang mga bagong kasali na Nueva Ecija, Bicol at Mindoro mula Luzon, Iloilo sa Visayas at Saranggani mula Mindanao. Hindi muna sasali ang Mandaluyong El-Tigre ngayong taon.
Nasaksihan sa nakalipas na mga taon ang pag-angat ng tinaguriang “Liga Ng Bawat Pilipino” at binibigyan ng pagkakataon ang mga bagong talento sa basketball. Laging dinadagsa ang mga laro dahil sa nais suportahan ang kanilang mga pambato. “Iba ‘yung mag-represent ka ng sarili mong kinalakihan, or siyudad, parang ito sa Bacoor, kung saan ako isang homegrown na manlalaro. Mas may bigat ‘yung bawat tapak namin sa court para sa fans na walang pagod mag-cheer sa amin,” bahagi ni Datu Cup MVP Gab Banal ng Bacoor Strikers. (MC)





Comments