3 wanted sa iba't ibang kaso, arestado

NATIMBOG ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang tatlo katao na pawang mga wanted sa iba’t ibang kaso sa magkakahiwalay na operasyon sa Maynila.
Nasa kustodiya ng MPD ang mga naarestong sina Ricardo Delica, 33, tricycle driver; Dominic Santiago, 19, housekeeping employee at Nancy Trimidal, 48, housemaid.
Nabatid sa MPD-Police Station 6, alas-2:00 ng madaling-araw kahapon nang arestuhin si Delica sa Onyx Street, San Andres Bukid, ng mga tauhan ng Warrant and Intelligence Section sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Lorenzo R. dela Rosa ng Manila Regional Trial Court Branch 04.
Si Delica ay may kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law, na may katumbas na piyansang P80,000.
Naaresto rin si Santiago, habang armado ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Jacqueline Martin-Balictar ng Manila RTC Branch 9, dahil sa kasong Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na may katapat na piyansang P40,000.
Nadakip naman ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) si Trimidal, alas-10:15 ng umaga, kamakalawa sa kanyang bahay.
Nabatid na si Trimidal ay may kasong theft at inisyuhan ng warrant of arrest ni Hon. Judge Ronaldo Sandoval ng Sta. Rosa, Nueva Ecija Municipal Trial Court.





Comments