top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pera, alahas ng pasahero nilimas | GRAB DRIVER HOLDAPER

Gina Pleñago
Jun 11, 2019
1 min read

TIMBOG ang isang Grab driver ha­bang nagsasa­gawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforce­ment Operations (SACLEO) ang mga awtoridad nang hol­da­pin nito ang kanyang ba­baeng pasahero, ka­ma­kalawa sa Pasay City.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na si Ro­berto Dajaro, 45, ng Trece Martires, Cavite. Kinilala naman ang bik­tima na si Mary Joy Villa­nueva, 36, ng Makati City.

Ayon kay Pasay City Po­lice Chief Colonel Ber­nard Yang, nangyari ang insidente alas-5:25 ng madaling-araw sa panulukan ng Buendia Avenue at Tramo St.

Habang nagsasagawa ng SACLEO ang mga kagawad ng Pasay City Police sa natu­rang lugar, nakarinig sila ng sigaw ng babae na humihingi ng tulong.

Agad pinuntahan nina Staff/Sgt. Joshua Pili, S/Sgt. Erwin Soclo, P/Corporal. John Faycho, Corporal. Ra­mir Encio, P/Cprl. Chris­tian Candingan at P/Cpl Albert Bahatan, pawang mga mi­yem­bro ng Tactical Motor­cycle Riding Unit (TMRU) sa Makati CPS.

Dito nalaman na hinol­dap umano ito ng driver ng pu­lang Toyota Vios na may plakang VZ 3450. Hinabol ng mga pulis ang suspek hanggang sa masa­kote. Nabawi ng mga pulis sa suspek ang mga gamit na tinangay nito mula sa bik­tima tulad ng bracelet, relos at cash na P500.

Nakuha rin mula sa sus­pek ang bolo knife at sachet ng hinihinalang shabu na nasa loob ng nasabing sasakyan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page