top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para tuluyang matuldukan ang bullying, pagbabantay sa mga mag-aaral, paigtingin!

  • Ryan B. Sison
  • Jun 11, 2019
  • 2 min read

ISANG linggo na ang nakalilipas mula nang magsimula ang pasukan kung saan hanggang ngayon ay pinaiigting pa rin ang kampanya kontra bullying, ito ay dahil ayaw na nating maulit pa ang mga masasamang pangyayari sa nakaraan na may kinalaman dito.

Gayunman, sa kasalukuyan ay inihihirit ang pagdaragdag ng guidance counselors para mabawasan o maiwasan umano ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga eskuwelahan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito ay dahil naniniwala ang mga kinauu­kulan na sa ganitong paraan, maaaring ma­gabayan ang mga batang walang ibang ginawa kundi ang mam-bully ng kanilang mga kaklase, gayundin, ang mga nabibiktima ng mga ito.

Sa totoo lang, may maitutulong ang mga guidance counselor sa ganitong usapin dahil mas alam nila ang tamang pa­raan para maiwasan ang kaguluhan, par­tikular sa paaralan, pero kung daragdagan sila, pero wala rin naman silang magagawa, sayang lang ang ipasusuweldo sa kanila, ‘di ba?

Samantala, bukod dito, mainam kung magsasagawa ng mga programa kung saan sa buong school year ay itatatak sa isipan ng lahat na dapat nang itigil ang pambu-bully dahil hindi ito nakabubuti sa buhay ng in­dibidwal at maging sa bahay ay turuan din ng magagandang-asal ang mga anak nang sa gayun ay madala nila ito sa kanilang panga­lawang tahanan.

Dagdag pa rito, kung kinakailangan ng mga taong magbabantay sa bawat classroom sa tuwing may ibang ginagawa ang teacher, gawin!

Dahil aminin man natin o hindi, ‘yun ang pag­kakataon kung saan marami ang nambu-bully sa klase.

Kaya naman, ang hiling natin sa mga nasa puwesto, gawin ang lahat ng paraan para tuluyang matuldukan ang bullying na marami ng nabiktimang kabataan sa mga nakali­pas na taon.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page