Lolo natagpuang patay sa kubo
Pabs Hernandez III
Jun 11, 2019
1 min read
PANGASINAN—Isang 64-anyos na lolo ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay-kubo, kamakalawa sa Bgy. Acop, Rosales sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Evangelista Lemon, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa loob ng bahay-kubo nito.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang sanhi ng kamatayan ng biktima.





Comments