top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

KNOTT, NAKA-SILVER SA 100-M ASIAN GRAND PRIX

Eddie M. Paez, Jr.
Jun 11, 2019
1 min read

NAGPAPATULOY sa impresibong paghahanda para sa PHL SEA Games ang Fil-Am sprinter na si Kristina Knott matapos mahablot ang pilak na medalya sa century dash ng 2019 Asian Grand Prix Series kamakailan sa Jiangjin, Chongqing, China.

Nakapagposte ang 23-anyos na mananakbo ng oras na 11.62 segundo para makuha ang pangalawang puwesto sa likod ng 11.54 segundo ng nagkampeong si Olga Safronova mula sa Kazakhstan. Ang oras ni Knott ay mas mabilis sa tiyempong nairekord niya sa pagsisimula ng taon nang mamayagpag siya sa Ayala Philippine Athletics Championships sa kaparehong distansiya (11.64 segundo).

Ang personal best ng Fil-Am ay 11.43 seconds na nairehistro sa Florida samantalang ang Philippine record ay tangan ni Lydia De Vega (11.28 segundo).

Matatandaang kamakailan din ay nakakuha siya ng ginto sa 200 meters ng Singapore Open Track and Field Championships.

Sa bakbakan sa China, bagamat pilak lang ang nakuha, ang mas magandang kaganapan dito ay naunahan niya ang pinakamabilis na karibal mula sa Timog-Silangang Asya na si Vietnamese Le Tu Chinh. Nagsumite si Le ng pinakamabilis na reaction time (0.130 segundo) pagputok ng starting gun pero hindi niya napanatili ang bentahe kaya pumangatlo lang siya sa tiyempong 11.71 segundo. Si Knott ay naorasan ng 0.139 segundong reaction time samantalang si Khazak ay may 0.142 na reaction time.

Sa kabuuan ng torneo, nauna ang mga SEAG rivals ng Pilipinas sa medal tally. Ang Vietnam ay may isang ginto at apat na tanso, mayroong isang ginto sa Malaysia, habang ang Thailand ay nakasubi ng dalawang pilak kontra sa silver ng Pilipinas at isang bronze ng Indonesia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page