top of page
Pokwang.jpg

Kabayo na naglalakad sa ulap na naging kalabaw

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 11, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Armeli ng Armeli_Unay@facebook. com

Dear Professor,

Nanaginip ako na ma­rami raw kaming mga tao na nagkakatuwaan, pag­katapos, napatingala ako sa langit at nakita ko ‘yung kabayo na naglalakad sa ulap at habang tinitingnan ko ‘yung ulap ay biglang naging kalabaw at may sakay ito kung saan umak­yat papuntang langit.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Armeli

Sa iyo Armeli,

Bilang pagtatapat sa iyo, ngayon ay inaakala mo na hindi na matutupad ang mga pangarap mo. Sa totoo lang, pinanghihinaan ka na ng loob at maririnig sa iyong kaloo­ban na ipinauubaya mo na lang sa langit ang iyong kina­bukasan.

Pero, ang sabi ng panagi­nip, “keep on dreaming”, kumbaga, huwag kang ma­walan ng pag-asa, manatili kang nangangarap na ikaw ay magkakaroon ng magan­dang future.

Ang kabayo ay simbolo ng ambisyon ng tao kaya sabi ng panaginip mo, bakit papatayin mo ang ambisyon mo? Dagdag pa rito, ang taong walang ambisyon ay mananatili sa kahirapan, pero ang may ambisyon ay yaya­man.

Ang totoo nga, ang ka­labaw sa panaginip mo ay sinisimbolo ng masaganang buhay na ayon sa iyong pa­naginip ay makaaasa ka na magkakaroon ka ng kasa­ga­nahan. Pero, bilang pagli­li­naw, dapat buhay ang iyong ambisyon.

Kaya sa panaginip, ang kabayo na naging kalabaw ay nagsasabing, ang ambis­yon ang magdadala sa iyo ng kasaganahan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page