top of page
Pokwang.jpg

Bebot naboga ng tiyuhin

Pabs Hernandez III
Jun 11, 2019
1 min read

SOUTH COTABATO—Isang babae ang aksidenteng nabaril at napatay ng kanyang tiyuhin, kamakalawa sa bulubunduking lugar sa Bgy. Danlag, Tampakan sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Lenza Dialang, samantalang, ang suspek ay si Ciano Dialang, kapwa nakatira sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, habang nasa bundok si Ciano at namamaril ng baboy-ramo ay aksidente umanong tinamaan nito ang biktima.

Dinala ng mga saksi si Lenza sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, pinaghananap na ng pulisya si Ciano na tumakas matapos mabaril ang biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page