top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Treasurer ng munisipyo niratrat, utas

Jeff Tumbado
Jun 10, 2019
1 min read

TODAS sa pamamaril ang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Sta. Cruz sa Occidental Mindoro noong Sabado.

Kinilala ang nasawi na si Reydante Bernardo de Lara, 53, treasurer ng munisipyo, residente ng Bgy. Mulawin.

Batay sa imbestigasyon ng Sta. Cruz Municipal Police, alas-6:30 ng gabi nang pagbabarilin ang biktima habang lulan ito sa kanyang motorsiklo sa bahagi ng Sitio Ezperanza.

Dalawang armadong lalaki na sakay sa motorsiklo ang itinuturong mga salarin sa krimen.

Isinugod sa malapit na ospital ang biktima ngunit, idineklara itong dead-on-arrival dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng naturang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page