top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tiniyak ng DOH | PEKENG SUKA, SAFE

  • Madel Moratillo
  • Jun 10, 2019
  • 1 min read

NILINAW ni Health Secretary Francisco Duque III na ang paglabag sa patakaran hinggil sa “mislabeling” ang isyu sa paggamit ng synthetic acetic acid sa paggawa ng suka at hindi ang safety issue.

Paliwanag ni Duque, walang ‘safety issue’ rito dahil ligtas naman at hindi masama sa kalusugan ang mga ‘synthetic vinegar’ o sukang ginamitan ng ‘synthetic acetic acid’. Gayunman, mahaharap pa rin aniya sa mga konsekuwensiya ang mga kumpanyang gumamit ng synthetic acetic acid sa paggawa ng kanilang produkto.

Ito ay dahil labag aniya ito sa polisiya ng ‘mislabeling’. Paglilinaw pa ni Duque, hindi ito naaayon sa standard na napag-usapan ng industriya at ng regulating agency na Food and Drugs Administration (FDA) na dapat nilang sundin kaya dapat lamang nilang harapin ang konsekuwensiya ng kanilang ginawa.

Matatandaang, ibinunyag ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na 15 sa 17 brand ng suka sa bansa ay gumagamit ng synthetic acetic acid.

Sa 39 na brand ng suka na unang sinuri ng FDA ay natuklasang lima ang may synthetic acetic acid.

Ang mga ito ay ang Surebuy Cane Vinegar, Tentay Pinoy Style Vinegar, Tentay Premium Vinegar, Tentay Vinegar Sukang Tunay Asim at Chef’s Flavor Vinegar.

Una na ring nagpalabas ng public advisory ang Department of Trade and Industry (DTI) na pinayuhan ang publiko na iwasan ang pagbili ng mga naturang produkto ng suka.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page