Share sa royalties ng Science and Technology personnel na kabilang sa pag-produce ng teknolohiya na

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Gusto kong malaman kung ilang porsiyento ang share sa royalties ng mga Science and Technology (S & T) personnel na kabilang sa mga nag-produce ng teknolohiya na na-patent? Maraming salamat! — Kiefer
Dear Kiefer,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 4 (4.1), Rule II ng Implementing Rules and Regulation ng Republic Act No. 8439 o mas kilala bilang “Magna Carta for Scientists, Engineers, Researchers and other S&T Personnel in the Government” kung saan nakasaad na:
“Sec 4. Share of Royalties
◘◘◘
◘◘◘
◘◘◘
3. xxx The share in royalties shall be on a sixty (60%) to (40%) percent basis in favour of the Government and the personnel involved in the technology/activity which has been produced or undertaken during the regular performance of their function.” [Binigyang-diin.]
Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang mga Science and Technology personnel na kabilang sa mga nag-produce ng teknolohiya na na-patent ay mayroong share na katumbas sa 40% ng royalties ng nasabing teknolohiya.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado





Comments