Rescue boat tumaob, 3 patay
Jersey Sanchez
Jun 10, 2019
1 min read
PATAY ang tatlo katao matapos tumaob ang bangka sa Atlantic Coast sa France.
Nabatid na ang mga nasawi ay bahagi ng pitong crews na sakay ng rescue boat dahil sa pananalasa ng Bagyong Miguel.
May taglay itong hangin na may lakas na 147 km/h na unang tumama sa Northern Spain at umikot sa karagatang bahagi ng Biscay Bay.
Mabilis na nakalangoy sa gilid ng dagat ang apat habang ang tatlo ay nalunod dahil sa malalaking alon.





Comments