top of page
Pokwang.jpg

Lalaki todas sa suntok ng kapitbahay

Levi Gonzales
Jun 10, 2019
1 min read

ISANG malakas na suntok ang ikinasawi ng isang lalaki sa Bgy. Timbao, Biñan City, Laguna.

Batay sa initial report, pasado alas-6:00 ng umaga nang magtalo sa hindi pa nabatid na kadahilanan ang biktimang si Joey Berroya at suspek na si John Paolo Delejos.

Hanggang sa birahin ng malakas na suntok ang biktima direkta sa kanyan ulo.

Bumagsak ito at tuluyang nawalan ng malay saka isinugod sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival.

Agad tumakas ang suspek sa hindi pa malamang direksiyon kung saan siya pinaghahanap ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page