Bebot, inararo ng jeep, dedo

TODAS ang isang babae matapos araruhin ng pampasaherong jeep habang tumatawid, kamakalawa ng hapon sa Malate, Manila.
Namatay sa Claire Medical Center dahil sa matinding pinsala na tinamo ng katawan ang biktimang si Christina Flores, nasa hustong edad.
Sumuko naman sa Manila Police District-Station 9 ang driver ng PUJ na si Nerio Jumawan, ng Sta. Ana, Manila. Batay sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Gregory Catalan na isinumite kay P/Capt. Jaime Gonzales, alas-2:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Singalong at Estrada Sts., Malate.
Batay sa imbestigasyon, tumatawid si Flores sa Estrada St. nang bigla umanong lumiko ang jeep (PYD 118) na minamaneho ni Jumawan at nasapol ang biktima.
Isinugod sa nasabing pagamutan si Flores pero, kalaunan ay binawian din ito ng buhay. Sinampahan na ang suspek ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.





Comments