top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA PAGPAPAGALING

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 10, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Nilla na Dallia_Nina@facebook.com

Dear Señor,

May sakit ang mister ko. Ano ang dapat kong gawin para mabilis siyang gumaling? Ang sakit niya ay sa baga, pero hindi ganu’n kalala sabi ng doktor. Hihintayin ko ang magiging sagot ninyo.

Maraming salamat!

Naghihintay,

Nilla

Sa iyo Nilla,

Heto, iha, ang mga paraan kung paano gagawing “the healing home” ang bahay:

  1. Una, dapat walang kalat, kaya palagi kayong mag­lilinis.

  2. Ang kalat ay hindi lang tungkol sa dumi, ito rin ay para sa mga gamit na malinis, pero nakahambalang o wala sa tamang lugar at kung saan-saan nakikita.

  3. Papasukin ang sikat ng Haring Araw sa bahay, kaya hindi maganda na palaging naka-aircon. Ang sikat ng Haring Araw ay pumapatay sa mga mikrobyong naninirahan sa bahay.

  4. Dahil napapatay ng sikat ng Haring Araw ang mga mikrobyo, ang mga gamit ay dapat ilabas para masikatan nito tulad ng unan, kumot, kutson at iba pa.

  5. Ang hangin ay tulad din ng sikat ng Haring Araw na nakapapatay ng mikrobyo, kaya dapat nakakapasok ang hangin sa loob ng bahay, lalo na kung natutulog o namamahinga ang may sakit.

  6. Maganda rin na napahahanginan ang mga gamit sa loob ng cabinet, gayundin ang ilalim ng lababo.

  7. Dagdag pa rito, gumamit ng vaccum para masiguradong mawawala talaga ang alikabok.

  8. Maglagay ng halaman sa loob ng bahay dahil ang mga halaman ay sumisipsip ng maruming hangin.

  9. Maglagay din ng mga dekorasyon sa dingding na nakaaaliw sa mga mata tulad ng mga bulaklak, lara­wan ng bukirin, ilog, dagat at mga ibon na lumilipad.

  10. Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagdarasal nang sama-sama sa kinikilalang Diyos ng mga naninirahan sa bahay.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page