2 bigtime tulak nasakote
- Pabs Hernandez III
- Jun 10, 2019
- 1 min read
LANAO DEL SUR—Dalawang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Kapigis, Wao sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na sina Darangji Angatong at Ledi Mangondacan, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng halos isang kilo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ngayon ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments