Shoutout sa lahat ng mga mag-aaral... SAFETY TIPS NGAYONG PASUKAN, ALAMIN!
- Donna Thea Topacio
- Jun 9, 2019
- 1 min read

DAHIL nagsimula na ang pasukan, kaliwa’t kanang panganib na naman ang nakaabang, pero siyempre, hindi tayo papayag na may mabiktima na naman, kaya, alamin natin ang ilang safety tips para sa mga estudyante:
1. PLAN FOR SEVERE WEATHER. Paiba-iba ang panahon, minsan mainit, minsan umuulan, kaya make sure na magdadala kayo ng mga panangga rito nang sa gayun ay maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na bukod sa nakababahala ay mabigat pa sa bulsa.
2. BULLY-PROOF THE CLASSROOM. Ooops, bawal ang bully! Kaya sa mga magulang diyan na mayroong mga anak na makararanas ng anumang pang-aabuso, make sure, na isusumbong ninyo ito sa mga kinauukulan. Okay?
3. AVOID BRINGING GADGETS. Ang paaralan ay lugar para mag-aral at hindi para maglaro ng mobile games, partikular sa mga mag-aaral na nasa elementarya. Alam nating importante rin ito in case of emergency, pero may iba pa namang paraan para rito, kaya kung hindi naman kinakailangan huwag na lang pagdalhin ang mga anak para hindi takaw- magnanakaw. Okie?
4. SET RULES AND REGULATIONS. Sa bahay pa lang dapat may mga bagay na kayong pinag-usapan. Halimbawa sa mga ito ay kung anong oras dapat umuwi dahil madalas, eh, gumagala pa ang mga estudyante. Aminin! He-he-he!
5. ALWAYS COMMUNICATE WITH YOUR FAMILY. Of course, dapat palaging updated ang pamilya, kahit tungkol saan basta bukal sa inyong kalooban.
Oh, ayan, make sure na susundin ninyo ang ilang safety tips na ito nang sa gayun ay maiwasan ninyo ang anumang kapahamakan na talamak ngayong pasukan.
Copy?




Comments