RUIZ GINIBA SI JOSHUA SA WORLD HEAVYWEIGHT C’SHIPS


INAGAWAN ng trono ni Andy Ruiz Jr. si British title-holder Anthony Joshua sa bisa ng nakagugulantang na seventh-round stoppage sa New York’s Madison Square Garden kahapon at maging unang Mexican-American World Heavyweight Champion.
Unang naging undefeated si Joshua at sa unang pagkakataon, ang laban sa Estados Unidos, nadepensahan ang kanyang IBF, WBA at WBO titles pero bumagsak ng apat na beses sa laban bago kumaway ang referee, biglang hudyat ng paghinto ng laban sa 7th round. Hindi nabigyan si Ruiz ng tsansa na magulpi ang kampeon dahil limang linggo lang ang kanyang ensayo matapos na ang orihinal sanang kalaban ni Joshua na si Jarrell Miller ay nasuring positibo sa performance-enhancing drugs.
Sinabi ni Joshua na hindi matanggap ang pagkatalo pero nagbanta siyang babalik. “Boxing is a tough sport. I trained hard, I stayed dedicated. And I just got beat by a good fighter tonight,” aniya. “It’ll be interesting to see how far he goes but good luck to him. I gotta bounce back. This is all part of the journey. Fighter by heart, boxer by trade.”
Bumagsak si Ruiz sa canvas sa third, pero nakabawi siya para masiyapol ang Briton sa parehong round subalit suwerteng nakabangon si Joshua. Nang makarekober si Joshua, bumato ito ng sunud-sunod na jab sa sumunod na ilang rounds ngunit isang malakas na upak ang pinadapo ni Ruiz sa 6th upang mapatumba ang kampeon.
Bumagsak uli si Joshua sa ilang mababagsik na upak ni Ruiz sa dalawang minutong nalalabi sa 7th pero, nang tangkang babangon si Briton ay sumuray ang tuhod nito. (MC)





Comments