Rider pisak sa trak

DEDO ang 40-anyos na rider matapos magulungan ng tractor head nang bumagsak ang kanyang motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa katawan si Edilberto Montuya, ng Sampaloc, Manila.
Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang driver ng tractor head na si Ariel Banawa, 35, ng Tondo, Manila.
Alas-11:00 ng gabi, kapwa tinatahak ng motorsiklo (AD 90352) at ng Iveco tractor head na may temporary plate na 036536, ang kahabaan ng C-3 Road patungong A. Bonifacio Avenue sa Quezon City.
Bago sumapit sa kanto ng Tagaytay St., Bgy. 126, Caloocan City, nawalan ng kontrol si Montuya sa motorsiklo nang aksidenteng tumama sa concrete barrier ang kaliwang bahagi nito.
Nagpatuloy sa pagtakbo patungo sa gilid ang motorsiklo hanggang sa bumagsak ito na naging dahilan upang magulungan ng tractor head ang biktima matapos tumilapon.





Comments