Pramis ni Digong | PASKO, WALA NANG TRAPIK
- Mylene Alfonso
- Jun 9, 2019
- 1 min read

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na mababawasan na ang problema sa mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila sa darating na Disyembre ng kasalukuyang taon.
Kasabay nito, ipinangako rin ng pangulo na maghintay-hintay dahil maaaring maging limang minuto na lamang ang aabuting biyahe mula Cubao patungong Makati City.
“You don’t have to worry about traffic... Cubao and Makati will be about five minutes na lang,” ani P-Duterte sa panayam sa telebisyon ni Pastor Apollo Quiboloy ng Sonshine Media Network.
“You just wait. Ayaw kong mag-ano — but things will improve... maybe, God willing, December smooth sailing na,” sabi pa ng pangulo.
Matatandaang, kabilang sa ipinangako ng Punong Ehekutibo nang maluklok sa puwesto na mapagaan ang daloy ng trapiko, partikular sa Kalakhang Maynila na araw-araw ay kalbaryo ng mga motorista.





Comments