top of page
Pokwang.jpg

P-Duterte, ayaw makialam sa House Speakership

Mylene Alfonso
Jun 9, 2019
1 min read

MALINAW umano ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili ang kanyang desisyon na hindi makikialam sa labanan para sa susunod na House Speaker.

Ayon kay Dr. Paul Martinez, mahusay ang ginawa ng pangulo na maging neutral at bigyan ng pagkakataon ang mga kongresista na pumili sa gusto nilang maging Speaker.

Samantala, ayon kay Alan Peter Cayetano, ang kailangan umano sa Kamara ay lider na mahusay dahil hindi on-the-job trainee ang trabaho roon. Tama umano ang sinabi ni Dr. Martinez na hindi kailangan ng bagito at madaling ma-kudeta sa Kamara.

Matatandaang, tinutukoy umano ni Dr. Martinez si Lord Allan Velasco ay ang pagiging “close” umano niya sa Pamilya Duterte ngunit, pinalagan ito dahil mas close pa umano si Cayetano dahil vice-president siya ni Duterte sa nakaraang eleksiyon.

Lahat din umano ng aspiring House Speaker — Cayetano, Martin Romualdez at Velasco aymalapit sa Pamilya Duterte.

Kaya tama umano na “free zone” fight ang labanan sa Speakership at inaasahan ito sa darating na linggo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page