top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Oks ang rollback sa gas kung 'di susundan ng price hike!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 9, 2019
1 min read

MAY bawas presyo sa petrolyo.

Okay ‘yan kung hindi susundan ng paglobo ng presyo next week!

◘◘◘

ISINULONG ng United Nations (UN) ang international investigation sa ‘war on drugs’ at human rights violation sa Pilipinas.

Tiyak na makatiti­kim sila ng lumalagu­tok na P.I.!

◘◘◘

MABIGAT ang kina­haharap ng paghamon ng Duterte administration sa nalalabing termino ni P-Duterte.

Mismong UN ang kalaban!

◘◘◘

IMBES na humupa ang international outcry kontra Duterte, guma­grabe ito.Ibig sabihin, talagang kailangan ng Duterte administration ang Speaker sa Kamara na may karanasan sa international affairs.

Dahil d’yan, lala­bas na pinakakuwali­pi­kado rito ang da­ting Foreign Affairs secretary na si Alan Peter Cayetano!

◘◘◘

TUMIWALAG na rin ang Pilipinas sa pagiging miyembro ng International Criminal Court (ICC) at kaila­ngang katigan ito ng Kongreso.

Sa diskusyon at mga pagdinig, maga­an na maidedepensa ni Cayetano ang ‘war on drugs’ at human rights record!

◘◘◘

ISANG dating sena­dor at kongresista si Cayetano bukod pa sa pagiging dating LGU executive.

Malawak ang kara­nasan at maipaliliwa­nag niya ito sa harap ng international media na maaaring hingin ang opinion ng Kama­ra.

Angkop dito ang kakayahan ni Caye­tano na wala sa ibang aspirante!

◘◘◘

KAILANGANG subok na ang katapatan kay P-Duterte ng lider ng Kamara.

Nagwagi sa Taguig si P-Digong noong 2016 at nakopo ng kanyang mga kandidatong sena­dor ang malaking boto sa naturang siyudad.

Malinaw ang supor­­ta ng Taguig sa Duterte administration!

◘◘◘

SA totoo lang, hindi lang si P-Digong ang nakademanda sa International Criminal Court, bagkus, kasama na si Cayetano sa kinasuhan ni Atty. Jude Sabio.

Kapag binuwenas si P-Digong, kasama si Cayetano; kapag minalas, damay din ang kongresista ng Taguig.

He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page