top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

NGANGA ANG CHESS MASTERS KAY MORADO SA NAT’L JUNIORS

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Jun 9, 2019
  • 1 min read

NAIWANG nakanganga ang mga paboritong chess masters matapos mamayagpag ang mga dehadong disipulo ng ahedres sa 2019 National Juniors and Girls Open Chess Championship na ginaganap sa Makati.

Bitbit ni untitled Jeth Romy Morado, may rating lang na 2219, ang kartadang pitong panalo, isang tabla at isang talo para sa kabuuang produksyon na 7.5 puntos at mas makinang na tiebreak performance sa kalalakihan pagkatapos ng siyam na rounds para maitakas ang korona sa paligsahang nilalahukan ng 116 na kabataang lalaki.

Bagamat may naipon ding 7.5 puntos, naobligang makuntento sa bridesmaid honors ang isa pang untitled entry sa katauhan ni Rhenzki Kyle Sevillano (rating: 2185) dahil sa mahinang tiebreak points. Naisalba ni second seed at International Master Daniel Quizon (rating: 2338) ang huling upuan sa podium matapos itong makapagsumite ng anim na panalo at dalawang draws mula sa siyam na salang sa board. Ang topseed na si IM John Marvin Miciano (rating: 2345) ay pumang-apat lang habang si Candidate Master John Merill Jacutina ang umokupa sa panglimang baitang dahil sa kartada nilang 6.5 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page