top of page
Pokwang.jpg

Matagal na raw… POPS, INAMIN NA SI EX-GOV. CHAVIT

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 9, 2019
3 min read

PURING-PURI nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani ang pagiging producer ni Pops Fer­nandez sa first movie venture niya titled Feelennial via DSL Productions kung saan katuwang niya ang Cignal Entertainment. Tinutukan talaga ni Pops bawat detalye sa pagpoprodyus ng ka­una-unahang pelikula na pinag­tam­balan nina Ai Ai at Bayani.

Dahil dito kaya kahit may offer daw kay Pops na maging hurado sa mga singing contests on TV ay ‘di niya ma­ta­ng­gap. Pero open naman daw siya sa mga ganitong projects on TV.

“Yes, of course. I actually just did one in CBS, ‘di ba, World’s Best? That was judging like the best international talents talaga, ‘di ba?” lahad ni Pops nu’ng makausap namin sa presscon ng Feelennial.

Inamin ni Pops na may mga partners din siya sa part ng DSL Productions bi­lang producer ng Fee­lennial. And we asked her kung isa ba sa mga kasos­yo niya ang negosyan­teng si Chavit Singson.

“No, no, no,” ma­bilis na sagot ni Pops. “Si Manong helped us with ah… he’s so bait to us. He helped us sa location. Kapag napa­nood ninyo ‘yung mo­vie, para kaming nasa Africa. So, that is care of Manong, si Gov. Chavit, and of course, in the city of Ilocos and the city of Sta. Rosa, Laguna. Nakatu­long din sila sa amin. So, nagpapasalamat ako. It really helped with the look and siyem­pre, sa overlook ng peli­kula.”

Natawa na lang si Pops sa muling pang-uu­rirat sa tunay na relasyon niya sa dating pulitiko mula sa Norte.

“Naku, ang luma na niyan. It’s really unbelievable. Super friends kami talaga. Malisyosa na lang talaga ‘yung iba.”

Marami ang nagwi-wish kay Pops na maging successful ang first movie venture niya. Hindi naman kasi lingid sa marami ang kalagayan ng local films ngayon.

“Alam mo, kani-kanyang timing lang. Wala na rin akong choice, ha­haha! Wala nang choice kasi naumpi­sahan na siya at natapos na siya. So, talagang this is with a lot of prayers, of course. But also, with a lot of confidence that we do have a great, a very good project. Depende na lang ho sa inyo, siyempre, kapag napa­nood ninyo, kung ano ang masasabi ninyo.”

Nag-share naman si Pops ng encouraging words para sa iba pa na nagbaba­lak ding magprodyus ng pelikula.

“Well, ang masasabi ko lang sana, more than the encouragement to produce, I think, definitely, we have to support our own, hindi lang movies kundi pati concerts, shows, our fellow artists,” sabi ni Pops.

Dagdag pa niya, “Ah, alam n’yo ba na ang dami-daming mga singers all over the world and they are doing so well out of the Philippines, alam mo ‘yun?

“At kasi, napakagaling naman ta­laga ng mga Pilipino. Mapa-proud na­man talaga kayo. ‘Yung minsan, da­daan ka sa lobby ng hotel, biglang ‘Muk­hang Pilipino ‘yun, ah?’ And true enough, Pilipino siya.

“The reception of the kumbaga… ‘yun sa audience, they are received, manghang-mangha sila sa mga Pili­pino. So, sana, we ourselves give ourselves enough confidence to support each other kasi magaling talaga tayo.”

Samantala, inamin ni Pops na wala siyang love life for the longest time. At tila nasanay na raw siya na walang partner in life dahil sa tagal. Na-realize niya na ganu’n pala ‘yun, hindi mo hahanapin ang isang bagay na mata­gal nang ‘di mo nae-experience.

“Basta ako ngayon, hindi ako naghahanap. Naghihintay lang ako kung may dumating,” pahayag pa niya.

Anyway, sa June 19 na ang showing ng Feelennial movie nina Ai Ai at Bayani, mula sa direksiyon ni Rechie del Carmen.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page