top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa birthday... NANAY NA NAKATAKDANG SUWERTEHIN SA KULAY DILAW AT PULA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 9, 2019
  • 1 min read

Dear Maestro, Nag-a-apply ‘yung anak ko ngayon sa abroad, ang problema, kinakapos na kami sa panggastos. Hihingi ako ng mga numerong puwede kong tayaan sa lotto. Sana, matulungan ninyo akong tumama ng malaki-laking halaga upang matupad ang pangarap ng panganay kong anak na makapangibang-bansa nang sa gayun ay guminhawa na ang buhay namin at mapag-aral ko ang iba ko pang mga anak na mas nakababata sa kanya. April 4, 1969 ang birthday ko.

Umaasa, Ms. Aries ng Dolores, Bacolor, Pampanga

Dear Ms. Aries, Ang birth date mong 4 sa destiny number na 6 (4+4+1969=1977/ 19+77=96/ 9+6=15/ 1+5=6) sa zodiac sign na Aries ang nagsasabing, bukod sa sarili mong numerong 4, mapalad ka rin sa mga numerong 2, 19 at 24, gayundin sa mga numerong 8, 29 at 37. Maaari ka ring humugot ng kumbinasyong hango sa Cabalistic of Numbers na 137, 832, 572 at 528.

Bukod sa nasabing mga numero, suwerte ka rin tuwing sasapit ang mga araw ng Sabado, Linggo at Martes, lalo na kung gagamit at magsusuot ka ng kulay dilaw at pula.

Likas ka namang magiging mapalad sa tuwing sasapit ang ika-20 ng Marso hanggang sa ika-28 ng Abril, gayundin sa ika-20 ng Hulyo hanggang sa ika-28 ng Agosto at mula sa ika-20 ng Nobyembre hanggang sa ika-28 ng Disyembre.

Habang, ang batong diamond na ipinalamuti sa gintong singsing ang magsisilbing panghigop ng dagdag pang suwerte at pantaboy sa kamalasan.

Upang masigurado mo ang malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa tindahan ng mga damit — ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga ngayong 2019, sa edad mong 50 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page