HOROSCOPE | Hunyo 9, 2019 (Linggo)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 9, 2019 (Linggo): Malayo ang iyong mararating kung saan ikaw ay mangingibang-bayan at doon ay makahaharap mo ang iyong mga suwerte sa buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pansamantalang babagal ang iyong pag-asenso dahil maraming magagandang ideya na naglalabas-masok sa isipan mo kung saan malilito ka at basta-basta na lang kikilos. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-24-30-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka dahil sa pagkilos, ang mga negatibong kaisipan ay hindi nagtatagumpay. Bukod sa pagkilos, ang buhay mo ay papaabante. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-28-30-31-35-37.
GEMINI (May 21- June 20) - Isa lang ang tutukan mo sa maraming bagay na gusto mong gawin. Kapag ang mga kamay ay maraming hawak-hawak, marami rin ang nalalaglag. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-14-25-34-43.
CANCER (June 21- July 22) - Makikitang sobrang emosyunal ka ngayon at sa ilang araw pang darating. Kapag nahalata mong nangyayari na ito, gumawa ka ng paraan para mabawasan ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-25-26-36-44-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang kahinaan ng iyong kapwa. Ang mas magandang pagtuunan mo ng pansin ay ang kanilang magagandang katangian. Ito ang solusyon para magkaroon ka ng masayang buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-18-21-33-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumalabas ngayon ang iyong pagiging negatibo. Pero, may pag-asa pa para ito ay iyong matalo. Ito ay kung iyong babalikan ang magagandang nangyari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-12-24-33-35-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gagawa ka ng away ngayon, kaya ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan mo at ng iyong karelasyon ay mangyayari. Pero sa huli, gagawa ka rin ng paraan para kayo ay muling sumaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-29-30-31-36-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Napakalakas ng iyong pandama. Masasagap mo ang paparating na magagandang bagay at ang hindi kagandahan. Nasa sa iyo kung paano mo mapakikinabangan ang kakayahan mong ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-24-27-33-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahinga ang kailangan mo ngayon. Sa iyong pamamahinga, makaiisip ka ng mas magandang paraan para ang iyong kasalukuyang proyekto ay mapabilis at mapagaan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-25-34-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpasya ngayon dahil kapag ang tao ay maramdamin, ang kanyang pasya ay hindi niya gaanong pinag-iisipan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-14-15-26-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umiwas ka muna sa makulit at mapagpumilit dahil may babala na mapapa-oo ka sa hindi mo naman talaga gustong gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-15-29-30-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lilitaw ang natatago mong galing at husay. Marami ang matutuksong gawin kang bahagi ng kanilang buhay. Mag-ingat ka dahil ang iba sa kanila ay wala ng karapatan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-15-16-23-34.




Comments