Gov't. bus bumangga sa signboard, 17 patay
Jersey Sanchez
Jun 9, 2019
1 min read
PATAY ang 17 katao habang sugatan ang 5 iba pa matapos maaksidente ang sinasakyang bus sa Dubai.
Batay sa tweet ng Dubai Police, sakay ng naturang bus ang 31 katao nang bumangga ito sa signboard malapit sa metro station.
Nabatid na may iba’t ibang nationalities ang mga nasawi.
Galing umano sa Oman ang mga sakay ng bus na nagdiwang ng Eid’l Fitr. Humingi ng paumanhin at nagpaabot na ng tulong ang Oman government-owned bus company sa pamilya ng mga nasawi.





Comments