top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

ARANAS, KAMPEON SA BEASLEY 9-BALL OPEN

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Jun 9, 2019
  • 1 min read

NAKABAWI si Zoren James “Dodong Diamond” Aranas ng Pilipinas sa karibal na si Skyler Woodward ng Amerika nang dalawang beses nitong pataubin sa finals ang huli upang hiranging hari ng 2019 Beasley Custom Cue 9-Ball Open Tournament sa palaruan ng Brass Tap & Billiards sa Raleigh, North Carolina.

Nagsimula ang paglalakbay ng Pinoy papunta sa trono sa pamamagitan ng isang gitgitang double-hill na panalo laban sa mentor at kababayang si Dennis “Robocop” Orcullo. Sinundan ito ng pangingibabaw kontra kay US hopeful David Tickle, 9-4, at pambobokya sa Griyego na si Dimitris Loukatos, 9-0. Sa ratsada ni Aranas, napawi rin sa landas ang Amerikanong si Brad Shearer, 9-7, gayundin si Tarlac legend Francisco “Django” Bustamante, 9-4.

Pero tumiklop si Aranas kay Woodward sa kanilang hotseat match sa winners’ bracket kaya nasipa ang Pinoy sa one-loss side ng paligsahan. Dito, muling tinalo ni Aranas si Bustamante kaya nakapasok sa finals ang una at nakuha ang karapatang makaduwelo si Woodward. Sa puntong ito, kahit may bentaheng “twice-to-beat” ang Amerikano, wala nang nakaawat kay Aranas sa paghablot nito ng titulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page