5 todas sa landslides
PATAY ang lima katao habang marami ang nawawala matapos ang landslides sa Uganda.
Nabatid na ang ilang araw ng malakas na pag-ulan sa Bududa District sa silangang bahagi ng bansa ang dahilan ng insidente.
Ayon sa Red Cross, hindi bababa sa 50 katao ang nawawala habang 150 kabahayan ang nasira.
Matatagpuan sa Bududa District sa border ng Uganda at Kenya na labis na sinasalanta ng landslides.
Matatandaang, noong 2018, 41 katao ang nasawi matapos ang pag-apaw ng ilog.





Comments