top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

3 pupils patay sa swimming

Jeff Tumbado
Jun 9, 2019
1 min read

TATLONG estudyante ang nasawi makaraang malunod sa ilog na malapit sa kanilang paaralan sa Itogon, Benguet.

Ayon kay Major Carol Lacuata, nangyari ang trahedya sa Sitio Calew, Bgy. Dalupirip, kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga nasawi na sina Kyla Mae Fernandez, Grade 9; Dickzy Mae Catos, Grade 7 at Angel Hernandez, Grade 9, pawang mga mag-aaral sa Blessed His Place Academy Incorporated.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo umano sa ilog ang tatlo upang maligo nang ang isa sa kanila ay malunod.

Sinubukang sagipin ng dalawa ang kasamahan pero, dahil hindi rin marunong lumangoy ay magkakasama na silang nalunod.

Natagpuan ng mga awtoridad ang tatlo na magkakahawak pa ang mga kamay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page