Todo-suporta raw sa bata ni P-Digong… AI AI, PINAPUPUNTA NI BONG GO SA MGA NASUNUGAN, NO SHOW


Finally ay sumagot na si Bayani Agbayani sa mga issues regarding his Japan trip recently with President Rodrigo Duterte kasama ang iba pang celebrities. Inuulan kasi ng kontrobersiya ang nasabing biyahe at nabibigyan ng malisya’t ibang kulay dahil ang mga kasama ay mga artistang supporters ni P-Digong.
Bukod dito, inaalmahan din ng mga netizens ang pagsagot ng gobyerno sa gastos para sa mga artistang isinama dahil buwis daw ng taumbayan ang ginamit sa mga ito. Kaya naman katakut-takot na pamba-bash ang inaabot ng mga celebrities na kasama sa trip at binabatikos din sila sa pagiging supporter ng presidente.
Kahapon sa presscon ng pelikulang Feelennial (Feeling Millennial) na pinagbibidahan nina Bayani at Ai Ai delas Alas, hiningan ng statement or reaksiyon ang una tungkol dito at sinagot naman niya ito.
Ayon kay Bayani, he would only speak for himself at hindi raw naman niya alam kung ano ang deal ng ibang artistang kasama niya. Siya raw ay nagpunta roon para mag-entertain ng mga kababayan natin at usually naman daw talaga, kapag ang mga artista ay iniimbitahang mag-perform sa ibang bansa ay sagot ng nag-iimbita ang pamasahe nila. At normally, business class daw ang flight nila.
Pero itong trip na ‘to raw ay sa economy sila at siya pa ang nagbayad ng pamasahe ng kanyang asawa na isinama niya rin.
“At saka isipin n’yo naman, artista po kami, ‘pag lumalabas po kami ng bansa, nasa business class po kami. Eto, economy po kami, nasa tabi pa ako ng tambutso, ang init kaya ng likod ko,” sey ni Yani.
He also emphasized na libre ang performance niya at wala siyang tinanggap na bayad.
“At sa totoo po niyan, hindi naman abnormal na magdala ng artista sa ibang bansa. Panahon pa po ni Mr. Marcos, Presidente Ramos, GMA, lahat sila, nagdadala ng artista at lahat po ng mga artista na ‘yun, hindi ko alam kung paano ang deal nila, pero para sa amin, libre po kami, mamatay na po ang lahat ng pamilya namin, libre po ito,” he said.
Pati ang pangangampanya raw niya ay libre at willing siyang gawin ito hindi lang para sa bayan kundi dahil na rin sa may paniwala siya sa mga naglilingkod.
Hangga’t maaari nga raw ay ayaw na sana niyang sabihin pa ito pero nang lumabas na raw ang mga issues, kailangan naman niyang sumagot.
“Kasi, kawawa naman kami. Kami na ‘yung naglilingkod para sa bayan, kami pa ang natitira.
“Kaya ‘yung mga namba-bash, kesa mang-bash po tayo, tulungan natin ‘yung gobyerno natin nang umasenso po ang ating bansa,” saad pa ng komedyante.
Maging si Ai Ai na nangampanya naman for Senator Bong Go noong eleksiyon ay inayunan ang lahat ng mga sinabi ni Bayani at aniya, siya man ay willing mag-perform for free.
“Hindi sa kinakampihan ko si Bayani, artista rin ako at nag-campaign din ako noon. Sa totoo lang, kung bakit kami nandu’n, nakita kasi namin na hindi sila corrupt. That’s why tumulong kami,” saad ng Comedy Queen.
Wala si Ai Ai sa Japan trip na ‘yun dahil may iba raw na ipinagawa sa kanya rito sa Pilipinas.
“Pinapapunta ako ni Senator (Bong Go) sa mga nasunugan, kaya lang, hindi ako puwede nang mga panahon na ‘yun. Hindi ako sa Japan pero meron siyang pinapapuntahan sa akin na mga nasunugan kaya lang, may work ako, kaya hindi ako nakapunta,” sey ni Ai Ai.
Samantala, masusubukan ngayon ang fresh na fresh tandem nina Ai Ai at Bayani sa pelikulang Feelennial (Feeling Millennial). First team-up nila ito although matagal na raw silang magkaibigan.
Ayon sa dalawa, nagulat sila na malakas pala ang chemistry nila at panoorin na lang daw ang pelikula to see for yourselves.
Mula sa produksiyon ng DSL Productions ni Pops Fernandez at ng Cignal Entertainment, showing na ang Feelennial sa June 19 directed by Rechie del Carmen.
Kasama rin sa movie sina Nar Cabico, Ina Feleo, Nicole Donesa, Jelai Andres, Sophia delas Alas at marami pang iba with the special participation of Pops, Martin Nievera and Paolo Ballesteros.





Comments